Pabula tungkol sa pagkakaibigan, pag-asa, at espesyal na pag-ibig sa pagitan ng mga ibon at puno. Tuwing ika-100 taon, isang bahagharing may 8 kulay ang nagpapakita upang ipahiwatig ang pagdating ng diwata ng bahaghari para tuparin ang kahilingan ng mga kuwago. Samahan ang mga batang kuwagong sina Mimu at Piya sa makulay nilang mundo at alamin ang kanilang alpabetong kuwago, awiting kuwago, at ang kanilang kahilingan.
"synopsis" may belong to another edition of this title.
Ako ay nagmula sa Quezon, isang makulay at masayang lungsod sa Pilipinas. Taun-taon, ang aking kaarawan ay natatapat sa maulang araw. Bagamat ako ay nagtapos ng Abogasya, pinili kong tahakin ang pagsusulat at pagguhit. Ako ay rebeldeng manunulat dahil hindi ko sinusunod ang mga alituntunin sa pagsusulat upang magkaroon ng mas makatotohanang boses ang aking mga tauhan. Rebelde rin ako sa pagguhit at pagpinta dahil hindi ako gumagamit ng makatotohanang sukat at kulay upang magpahiwatig ng mas malalim na mensahe. Isinusulong ko ang pagpapalaganap ng Baybayin sa ating kasalukuyang henerasyon dahil mahalaga itong bahagi ng ating kultura, ng ating kasaysayan. Mas gusto kong magsuot ng mababa at de-gomang sapatos at maong na pantalon kaysa sa de-takong at bestida. Babae ako at buong pagmamalaki ko na kakampi ako ng mga LGBT. Ako ay namumuhay sa gabay na ito: MALAMIG NA KAPE + ARAW + LIBRO = WALANG PAGLAGYANG KALIGAYAHAN. Naniniwala akong ang kabutihan ang pinakamagandang bumerang.
"About this title" may belong to another edition of this title.
Shipping:
US$ 10.60
From United Kingdom to U.S.A.
Seller: THE SAINT BOOKSTORE, Southport, United Kingdom
Paperback / softback. Condition: New. This item is printed on demand. New copy - Usually dispatched within 5-9 working days 145. Seller Inventory # C9781975899929
Quantity: Over 20 available