Ang Dagiti Mariing iti Parbangon (Silang Nagigising sa Madalang-Araw) ay isang kuwentong katamtaman lang ang haba tungkol sa pakikibaka ni Salvador, laban sa naghaharing moral at panlipunang katiwalian sa bayan ng Guilang, at sa karahasan ng kalikasan doon. Ang bayan ng Guilang ay kathang-isip lamang ni Casabar, ngunit para sa mga nakakaalam ng Ilocos “milieu,” lalo na sa kapanahunan ng may-akda, di mahirap kilalanin na ang Guilang ay kumakatawan sa Narvacan, Ilocos Sur, ang mismong bayan ni Casabar.
Sa nobela, nagtagumpay ang kabutihan, ngunit napakalungkot pa rin ng kuwento kung tutuusin; sadyang napakabigat ang trahedyang tinutungo ng daloy ng kuwento. Lamang ay pilit itong lumabnaw at naging melodramatiko, bunga ng hindi maiwasang kumpromiso sa pangangailangan ng sining at pangangailangan ng Bannawag bilang negosyo, ibig sabihi’y ang pakikibagay ng kuwento sa tradisyunal na panlasa ng masa ng Ilokanong mambabasa. Kabilang sa pangangailangan ng tradisyunal na panlansang pampanitikan ng mga Ilokano ang mga sumusunod: romantikong pag-iibigan, matinding paglalarawan ng kulturang Ilokano, mahiganting katarungan o “poetic justice,” at malinaw na mensahe.
MULA SA INTRODUKSYON
"synopsis" may belong to another edition of this title.
Text: Tagalog (translation)
"About this title" may belong to another edition of this title.
FREE shipping within U.S.A.
Destination, rates & speedsSeller: ThriftBooks-Dallas, Dallas, TX, U.S.A.
Paperback. Condition: Fair. No Jacket. Readable copy. Pages may have considerable notes/highlighting. ~ ThriftBooks: Read More, Spend Less 1.01. Seller Inventory # G9715501044I5N00
Quantity: 1 available